Wednesday, June 20, 2012

Modus of Scammers


MGA MODUS.. INGAT PO TAYO! :D
Credit to Ragnarok New Iris Market Place 
Additional Infos: Ragnarok New Iris All in One Group

para sa kapakanan ng mga bagong players at mga balik ragna o 
sa mga wala pa masyadong alam.. 
PARA SA INYO TO :)

MODUS LIST:

1. "POSER" MIDMAN:

may tatlong klase ng poser midman.
  • Nagpapanggap na ADMIN.. gumagawa ng poser account ng ADMIN tapos may kakaibang pangalan na character syang ippm senyo at sasabihin un daw ung char na gagamitin nya pang midman..

RNIMP:
NOTE: ang totoong admin eh nasa page owners ng RNIMP. ang listahan ng characters ng
admin eh nasa INFO ng RNIMP page.

RNIAOG:
NOTE: Ang mga REAL Admins at REAL and TRUSTED MIDMEN ay makikita dito sa BLOG na ito together with their FB LINKS. Ini-EDIT ng POSER yung Documents ng Group kaya dinelete namin yung Admin, Midman at Reputation Documents.
  • GM daw sya ng isang guild.. wag po mapagpaniwala sa mga ganyan na sasabihin eh sa GM nalang daw ng kaguild nya magpamidman kasi dun daw may tiwala.. di mo alam eh magkasabwat na pala sila.. :)))       
  • Kapangalan ng MIDMAN mag ppm sayo at tatanungin ka kung ano ung user at pass

NOTE: sa FB pinapapm ng MIDMAN ang INFO's ng account hindi ingame..

2. CLOAK DEAL:

- Imba equips ang puterya. magpapamidman tapos gagawa ng poser ng midman at poser ng kadeal.. naka cloak ung
 poser tapos iddeal ung midman para malito or iddeal ung kadeal nya..
at madalas lvl 3 ung poser.. in short bagong gawang novice.
NOTE: para maiwasan make sure na ung iddeal mo eh sya talaga.. ipm mo sa FB at sa pub.. at mag ruwach ka    
 muna. wag magmadali at excited sa deal.. kahit matagal pa abutin basta 100% sure..

3.  FORCE DEAL:

- nineteen copong copong na modus.. iddeal ka tapos di mo na ma cancel ung deal..

NOTE: WAG KANG MAG RERECON OR MAG LOG OUT.. magpadeal ka sa iba para macancel ung deal.. yan lang lutas.

4. DROP and RUN:

- ITEM TRADES ang punterya dito.. Kesyo sira daw ung deal nya.. kaya ang sabi nya eh mag party nalang kayo tapos ddrop nyo nalang ung item.. nung na drop mo na syempre makukuha mo ung kanya at makukuha nya ung sayo.. pero di mo alam eh EVEN SHARE pala ung item drop ng party.. BOOM nasakanya na ung item na nakuha mo :))

5. LINK FIRST/LOAD FIRST DEAL:

- Maraming nadadale dito dahil sa nag titipid para sa midman fee.. ang problema tuloy, kesa ng makatipid,
NAWALAN PA! un ang masakit.. magpamidman kasi :) di na uso link first sa panahon ngayon EXCEPT kung feel mong sumugal.. :)

6. BOT SERVICE (PAY FIRST):

- kung hindi mo kakilala yang nagpapabot service o di siya ADMIN eh kung ako sayo eh mag back out kana :)) sa susunod na umaga pag bukas mo ng account mo simot na gamit mo..

7. MGA AYAW MAGPAMIDMAN

- iisa lang sagot jan.. parang makakaramdam ka ng HIT-AND-RUN :)) alam na :)) ingat lang

8. PAHIRAM ITEM

- madalas nangyayare to sa isang guild na kilala.. kesyo may poser ang GM ng guild na manghihiram sayo ng gamit at tatakbuhan ka nalang.. or isang guild member na feeling close then boom.. the next day di na kayo friends dahil di na binalik gamit mo :)) WAG BASTA BASTA NAGPAPAHIRAM NG GAMIT KUNG HINDI MO KILALA! :D

9. UTANG THEN RUN

- mangungutang ng item/zeny tapos boom.. nakalimutan na sino ka.. di kana kilala :))

10. Ang Mahiwagang LOAD: "Already USED na DRE, Paano to?"

may dalawang klase:

- PARA SA MGA NAGSARILI NG DEAL.. eto nga yung sinasabi kong hindi kumukuha ng MIDMAN, andami ng nabiktima nito.. kahit sino pwede gumawa nito pero wag nyo ng subukan :3 , mdaming pera ang nasayang , madaming galit ang naipon at madaming tao ang naloko kaya please lang wag mo ng dagdagan pa.. NASASAYO YAN KUNG SUSUGAL KA AT MAKIKIPAG SAPALARAN SA PAGTITIWALA.
-SA MGA NAGPAPAMIDMAN NAMAN.. iloload nung buyer ung RO LOAD tapos sasabihin na USED na ung card pero un pala na load na nya.. OR USED na nga ung card pero sasabihin ng SELLER na bagong bili lang.. tapos sisisihin ung MIDMAN :)
Solusyon: sa midman ipaload mismo sa MYLU nung buyer para madali lang ang usapan.. kapag used sya madali lang siraan ng midman ang pangalan ng nagbenta ng used card.. kapag ok naman edi walang problema..


Old Style Scam: 

  •  Magkukunwaring GM sa loob ng PUB.. check this image.. :3 wag paloloko :))


NOTE: GMs NEVER ASK FOR PASSWORDS or kahit LU mo.. ☺
  •  HALF HALF deal.. sa load..kunwari ibibigay nya ung pin tapos babayaran mo ung half.. tapos pag nabayaran na yung half, saka nya daw ibibigay ung pin.. pero pag nabayaran mo na.. wala na.. SCAM na
  •  Bibili ung scammer ng item.. tapos pag DEAL, kulang at sasabihin na yung kulang na zeny ay nasa ibang character nya.. mascam ka dito pag pumayag kang magdeal agad or mabigay mo yung item. :3

FAKE MIDMAN MODUS: 

  • Kunyari buying/selling ng item na ang bayad ay load... tapos pag nakapag-usap na.. sasabihing hahanap ng midman at ang sasabihing midman ng scammer ay yung mga POSER midman or FAKE midman. Nakadual Log-in lang yung scammer at siya rin ang gumaganap na midman.

    NAUSO ang POSER Admins at Midman.I-check maigi ang In Game Name at Facebook ng kadeal at mga Midman para makasiguro. See Hall of Shame.


GIANT FLY WING MODUS.. read this ah!!
SCAMMER/POSER GM: Lord Kyusui (GX level 150)
1. Kakausapin ka ng mga echos echos about deals like STGK

2. Sa gitna ng pag uusap nyo, may magpaparty sayo.. ang PARTY NAME •Aeon™•

3. Pag accept mo ng Party, matetele ka sa tabi nya.. alam nyo paano?
SIMPLE LANG!!! gagamit sya ng GIANT FLY WING.
NOTE: Giant Fly Wing: ginagamit to pang teleport ng partymember.. pag gumamit ang party leader ng GFW, mateteleport lahat ng MEMBERs ng party sa tabi ng Leader

4. Kakausapin ka.. check nyo ung pinost ko
SCREENSHOTS:
http://www.facebook.com/media/set/?set=oa.397833670280940&type=1
ganyang mga usapan...

5. papakausapin kayo sa sinasabi nyang "Yuri" na makakatulong sa inyo para di maban.. sya daw yung developer ng new iris..

NOTE: pag teleport sayo.. gagamit sya ng cloaking para makatotohanan.. di kasi mapapansin pag wala kang sight or ruwach..

REMINDERS! 
~WAG NA WAG IBIBIGAY ANG EMAIL, YM, FB, TWITTER, Friendster(meron paba to? lol)
GMs NEVER ASK FOR PASSWORDS and EMAILS.


SPACEBAR MODUS
1. Kunwari selling ng Load ung scammer.
2. Magpapamidman at pag bigay ng Load, invalid ang load na ibibigay
3. Habang busy ang buyer sa pag ta-top up at hindi pokus sa PUB, magchachat yung scammer at gagamitin ang name ng buyer sa pamamagitan ng spacebar.
4. Sasabihin ng scammer na "ok na" yung load at natop-up na. syempre yung midman ay ibibigay na yung item dahil sabi ng fake na buyer, "ok na" ung load...Hindi alam ng midman na ginamit lang pala ung name ng buyer.
5. Hindi ito mapapansin hangga't hindi pa nagsasalita yung buyer na hindi sya ang nagsasalita.
6. Tapos pag nangyari na ang scam, biglang babaliktarin nya yung buyer. Sabihin ng Scammer na yung buyer ang Scammer kasi tama yung load at nagsabi na sya na "ok na."
CLICK THIS TO VIEW THE SAMPLE:



--- Mag ingat po tayo para masaya ang paglalaro! Rok On! 

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...